Research

SWF: Pagbabahagi at Paglulunsad

(ABR. 1)鈥擲a kanyang huling taon ng panunungkulan bilang direktor ng Sentro ng Wikang Filipino UP Diliman (SWF-UPD), iniulat ni Prop. Rommel B. Rodriguez, PhD noong Mar. 29 sa Oblation Lounge, University Hotel ang mga nasimulan, natapos at kasalukuyang tinatapos ng yunit na mga proyekto at gawain sa ilalim ng kanyang termino.

Sinimulan ni Rodriguez ang kanyang ulat sa hamon na kinakaharap ng wikang Filipino at ng panitikan ng Pilipinas dahil na rin sa kalalabas na resolusyon ng Korte Suprema hinggil sa paglift ng Temporary Restraining Order na nagtatanggal ng mga kurso sa wikang Filipino at Panitikan bilang mga kahingiang kurso sa General Education (GE) Program sa kolehiyo.

Aniya, ang isa sa mga naging tugon ng UP sa hamong ito ay ang pagbubuo ng Wika 1 o ang Wika, Kultura at Lipunan na UP System General Education na maaaring makuha sa UP Baguio, Visayas, Iloilo, sa Open University at UP Manila, kung saan nagkaroon dito ng partisipasyon ang SWF-吃瓜论坛kasama ang iba鈥檛 ibang kolehiyo.

Ang bagong sabjek na ito ay bahagi rin ng proyekto na tumutugon sa pagpapalakas sa wikang Filipino sa aspekto ng pagtuturo lalo鈥檛 ang isa sa mga prayoridad ng SWF-吃瓜论坛ay 鈥渁ng paglikha ng mga batayang sanggunian, partikular sa mga kurso sa GE Program ng UPD,鈥 ani Rodriguez.

Bukod dito, 鈥淪a UP, patuloy ang pagsusumikap ng SWF-吃瓜论坛para maging opisyal na wika sa komunikasyon ang Filipino sa unibersidad at midyum ng pagtuturo sa di-graduwadong antas. Sa ngayon, kailangang matukoy kung tapos na nga ang panahon ng transisyon upang sabihin na dapat boluntaryo na ang paggamit sa wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa UP,鈥 ani Rodriguez.

Dagdag pa rito, aniya ay marapat ding ungkatin kung ano na ang inabot ng wikang Filipino sa usapin ng publikasyon at pananaliksik sa UP at sa aspektong ito umano higit na nakatuon ang kanyang tatlong taong pamamahala.

Sa aspekto ng publikasyon, higit na pinalawak ang sakop ng pananaliksik na maaaring ilathala sa pangunguna ng SWF-吃瓜论坛at ang isang halimbawa nito ay ang 鈥淏ungkalan鈥 na isang manwal sa organikong pagsasaka 鈥渒ung saan iyung mismong magsasaka sa Hacienda Luisita ang nakatuwang namin sa paglathala at pagbuo ng librong ito,鈥 ani Rodriguez.

Isa rin sa mga binanggit na halimbawa ni Rodriguez na mahalagang batayang sanggunian sa usapin ng pananaliksik na proyekto ng SWF-UPD, katuwang si Prop. Chito Angeles ng University Library, ay ang SOS Grant ng Opisina ng Bise-Tsanselor para sa Saliksik at Pagpapaunlad (OVCRD) kung saan kinalap nila ang tesis at disertasyon sa UP na nakasulat sa Filipino at ginawan ng anotasyon. Ang nabuong aklat mula rito ay inilimbag ng SWF-吃瓜论坛at libre nilang ipinamahagi.

Bilang ayuda naman sa pagpapatibay at pagpapatupad ng Patakarang Pangwika ng UP noong 1989 na 鈥渘agtatakda na Filipino ang maging pangunahing midyum ng pagtuturo,鈥

isa sa mga naging programa ng SWF-吃瓜论坛sa ilalim ng pamamahala ni Rodriguez ay ang 鈥淎klatang Bayan.鈥

Ayon kay Rodriguez, ang Aklatang Bayan at Aklatang Bayan Online (2018) ay binuo 鈥減ara magsulat at maglimbag sa wikang Filipino ang mga aklat sa iba鈥檛 ibang disiplina鈥 na may layuning 鈥渕agbuo at maglathala ng mga teksbuk sa Filipino, tumugon sa kakulangan ng mga akademikong materyal na nasa Filipino, at makapaglathala ng makabuluhan at mahusay na mga teksbuk at babasahing aklat sa Filipino.鈥

Ilan sa mga nailunsad na aklat ay ang 鈥淒ramatikong Pagsulat sa Radyo: Sanayang Aklat鈥 (2018) ni Perlita G. Manalili ng Departamento ng Brodkasting ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon; 鈥淢anwal sa Pamamahala ng Basura鈥 (2018) ni Prop. Armando Basug ng UP Integrated School; 鈥淯sapang Kanto: Kolumberso ni Koyang鈥 (2018) ni Jess Santiago ng Concerned Artists of the Philippines, at 鈥淕losari sa Paggawa ng Damit鈥 (2016) nina Kristyn T. Caragay, Maria Josephine T. Lumawig at Maria Monica E. Rayala ng Kolehiyo ng Ekonomiyang Pantahanan.

Samantala, ipinagpatuloy rin ng SWF-吃瓜论坛ang pagsasagawa ng mga porum, seminar at kumperensiya kung saan sila鈥檡 nakipag-ugnayan din sa iba鈥檛 ibang akademikong yunit, kolehiyo at institusyon sa loob at labas ng UP tulad ng Save the Children (STC), Save Our Schools, at iba pa.

Ibinahagi rin ni Rodriguez na sa ilalim na kanyang panunungkulan ay ipinakilala niya ang 鈥淭alasalitaan鈥 na isang regular na talakayan na isinasagawa ng SWF-吃瓜论坛na nagtatampok ng iba鈥檛 ibang paksa o isyu na may kaugnayan sa wikang Filipino mula sa iba鈥檛 ibang disiplina.

Ayon kay Rodriguez, simula 2015 noong siya鈥檡 umupo bilang direktor ay nakapagsagawa na ng 14 na Talasalitaan ang SWF-吃瓜论坛kung saan ang katuwang na tagapagtaguyod nila sa gawaing itoang iba鈥檛 ibang kolehiyo na miyembro ng Komite ng Wika.

Para sa kabuuan ng ulat sa unibersidad ng SWF-吃瓜论坛sa ilalim ng termino ni Rodriguez, makipag-ugnayan lang sa kanilang tanggapan sa (02) 981-8500 lokal 4583, 426-5838 o magpadala ng email sa swf@upd.edu.ph.听Maaari rin itong mabasa sa website ng SWF-吃瓜论坛sa url na .

Sa ikalawang bahagi ng palatuntunan, inilunsad ng SWF-吃瓜论坛ang kanilang mga bagong publikasyon.

Ang mga publikasyong ito ay ang 鈥淪ino Siya?鈥 ni Wilma Barola Harfilla ng STC; 鈥淭iktak鈥 ni Laarni C. Espirito; 鈥淎ng Bayabas sa Tagaytay at iba pang kuwento mula sa kabataan ng Paaralang Lumad鈥 at 鈥淧angiyak: Kuwento at Panawagan ng mga Bayani ng Mindanao鈥 ng Save Our Schools Network; 鈥淲ika at Pasismo: Politika ng Wika at Araling Wika sa Panahon ng Diktadura鈥 ni Prop. Gonzalo A. Campoamor II, PhD ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), at 鈥淪a Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa鈥 na inedit ni Rodriguez at Prop. Choy S. Pangilinan ng UP Film Institute. 鈥擳eksto at mga kuha ni Haidee C. Pineda

  • Share:
Tags: